Monday, November 16, 2015

PHOTO: Babae, napaanak sa kalsada sa gitna ng matinding trapik dahil sa APEC


Isang babae ang nanganak sa kalsada sa gitna ng matinding trapik sanhi sa pagsara sa mga kalsada para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting.
Ayon kay Angel Ramos-Canoy, naglalakad siya sa kahabaan ng City of Dreams sa ParaƱaque City nang makita niya nag isang babaeng nanganganak. Nasa harapan sila mismo ng Department of Foreign Affairs sa Macapagal Avenue.
"All we can do is to give shade through our umbrellas. 2mins.. 3mins.. The baby is still not crying. The mommy is sleeping. Or tired. Or exhausted. Perhaps, she passed out. All we can do now is PRAY. Hoping they will be fine," ayon sa sulat niya sa kanyang Facebook post.
Ayon kay Ramos-Canoy, ang babae ay inalalayan ng ina at anak ay humihingi ng tulong sa mga pulis na tumawag ng ambulansya, pero wala rin silbi dahil sa tindi ng trapik.
"Sabi ko, 'Kuya, yung mobile nyo man lang!' Kaso, nagkibit balikat lang si Kuyang Police," dagdag niya.
Ayon pa kay Ramos-Canoy, hindi na niya nagawang makausap ang ina at asawa dahil sa pagkagulantang nila. Hindi pa malaman kung ano na ang kondisyon ng bata.

Credit: GMA News

Subscribe to get more videos :