Monday, November 16, 2015

PHOTO: Agawan ng teritoryo, central issue ni Obama sa APEC meeting - US Advisor


Agawan ng teritoryo, central issue ni Obama sa APEC meeting - US Advisor
Magiging sentro raw ng pagdalo ni US President Barack Obama sa APEC Economic Leaders' Meeting (AELM) ang isyu ng agawan ng teriroryo sa West Philippine Sea.
Dahil dito, ayon kay US National Security Advisor Susan Rice, posibleng hamunin ni Obama si Chinese President Xi Jinping kaugnay sa ginagawang reclamation sa South China Sea.
Igigiit daw ng pangulo ng pinakamakapangyarihang bansa ang usaping maritime security at freedom of navigation sa karagatan sa buong mundo.
Gagamitin din ni Obama ang APEC smummit at pagbisita sa Malaysia para sa pagsusulong sa Trans-Pacific Partnership Mega Trade deal.
Nilagdaan ito ng 12 APEC economies noong Oktubre pero hindi sumali ang China.

Subscribe to get more videos :